Mensahe mula kay Phil

Gusto kong batiin at kamustahin kayong aking masugid na mga tagahanga at kaibigan diyan sa Pilipinas! Dahil sa inyong walang sawang pagtangkilik at suporta sa aking musika, ang aking mga kanta ay patuloy na umaakyat sa musical charts sa iba't ibang parte ng daigdig, at ako'y tumatanaw ng utang na loob sa inyo. Ang inyong mga sulat ay patuloy na nagsisilbing inspirasyon sa akin. Maraming, maraming salamat sa mainit niyong pagtanggap sa aking musika! Aking hinahangad na patuloy niyong magustuhan at tangkilikin ang aking musika. Patuloy niyong bisitahin ang aking website para kayo'y unang makaalam sa aking mga tour engagements diyan sa Pilipinas, mga bagong plaka, at iba pang balita na nagmumula sa inyong pianist.

Nais ko kayong pasalamatan sa inyong walang sawa at walang patid na suporta. Hinahangad kong makita kayo sa lalong medaling panahon!

Phil

Talambuhay:

Ang pianistang si Phil Thompson ay patuloy na nakakatanggap ng pagkilala at papuri sa larangan ng sining at musika bilang isang artista, kompositor, producer at personalidad sa telebisyon. Si Phil ay nagtatanghal para ipakilala ang kanyang musika sa iba't-ibang parte ng daigdig: mula sa Royal Imperial Palace sa Vienna, hanggang sa Waldorf Astoria ng New York. Kamakailan lamang ay nagtanghal si Phil ng isang konsierto sa Mandalay Bay sa Las Vegas. Bukod sa apat nyang plaka, ang musika ni Phil ay maririnig sa iba't ibang soundtrack ng serye sa telebisyon, ito ay ang sumusunod: "Blueprint para sa Luntian," isang score para sa dokumentaryong "Hakbang: Isang Paglalakbay sa Paniniwala," at ang batikang tribute para sa mga biktima ng gumuhong tulay na 35 W bridge sa Minneapolis, Minnesota: ang "Final Ride Home" na mabibili sa i-Tunes. Ang kinita ng musical score na ito ay ipinaubaya sa Twin Cities Red Cross. Si Phil ay naging producer sa unang plaka ni Connie Kunkle, at tumulong sa promotion ng kanyang plaka. Ang mga plaka ni Phil at Connie ay mapapanood bilang palatastas sa Shop NBC, na may bilang na 73 milyong manonood. Si Phil ay mapapanood sa iba't –ibang palabas sa telebisyon, at masisilayan sa estasyong PBS bilang host sa iba't ibang pagtitipon, katulad ng "Yanni: Mga Boses" concert series at "90th Selebrasyon ng Kaarawan ni Pete Seeger".

Contact:

Kung nais niyong magpadala ng mensahe o liham kay Phil, o kung gusto niyong kunin si Phil para sa isang personal appearance o concert event sa Pilipinas, maaari kayong sumulat via e-mail sa: